Family Fun Day 2025 ng Tangos 1, napuno ng sayawan at papremyo

Binalot ng tawanan, sayawan at papremyo ang ginanap na Family Fun Day 2025 sa Tangos 1 Elementary School noong Marso 29, 2025 na dinaluhan ng mga mag-aaral kasama ang kanilang buong pamilya.   Pormal na nagsimula ang programa ng alas-7 ng umaga, na pinangunahan ni G. Jeodhel Sestoso. Sa pagsisimula nito, nagbigay ng mainit na pagbati ang punong-guro ng paaralan na si Gng. Jasmin Senson, kasama ang mga master teacher na sina Gng. Jocelyn Mora, Gng. Neth Agustin, at Gng. Ma. Leonora Vega.   Puno ng saya at kasiyahan ang buong araw sa dami ng inihandang aktibidad. Tampok sa programa ang mga makukulay na pagtatanghal ng sayaw mula sa bawat grade level, na siyang nagpasigla at nagbigay-aliw sa mga panauhin. Hindi rin nagpahuli ang mga guro sa pamimigay ng raffle prizes, na labis na ikinatuwa ng mga pamilyang maswerteng nabunot.   Isa sa mga pinakaabangang bahagi ng programa ay ang pagkilala sa may pinakamaraming dumalong mag-aaral at pamilya, na iginawad sa grupo ng Grade Six. Bukod pa rito, may kanya-kanyang booth din ang bawat baitang kung saan maaaring maglaro at manalo ng premyo ang mga bisita. Maari namang makabili ng masasarap na pagkain at inumin sa Canteen Booth na dinagsa rin ng mga tao.   Bagama’t naging makulimlim ang panahon, hindi nito napigilan ang sigla ng mga dumalo. Sa halip, mas lalo pang naging makabuluhan ang pagtitipon na muling nagpapatunay ng matibay na ugnayan ng paaralan at mga pamilya.   Isang matagumpay at di malilimutang alaala ang naitala sa Family Fun Day 2025 – isang araw ng pagtawa, pagkakaisa, at pagmamahalan sa Tangos 1 Elementary School.   1 Ang Sagwan Tangos 1 Elementary School, Matagumpay na Ipinagdiwang ang Araw ng Pagtatapos 2025 by tangoses1ict April 14, 2025 2 Ang Sagwan Family Fun Day 2025 ng Tangos 1, napuno ng sayawan at papremyo by tangoses1ict April 6, 2025 3 Ang Sagwan Moving-Up Ceremony, Idinaos para sa 159 Kindergarten ng Tangos 1 by tangoses1ict April 5, 2025 4 Ang Sagwan Aktibidad para sa Buwan ng Kababaihan, matagumpay na naisagawa by tangoses1ict April 1, 2025 5 The Oar TES1 Holds Successful SELG Election for School Year 2025-2026 by tangoses1ict March 8, 2025 6 Ang Sagwan TES1 Journalists, Nagpakitang-Gilas sa DSPC 2025 by tangoses1ict March 8, 2025

Moving-Up Ceremony, Idinaos para sa 159 Kindergarten ng Tangos 1

Navotas City — Matagumpay na isinagawa ng Tangos 1 Elementary School ang Moving-Up Ceremony ng 156 mag-aaral sa Kindergarten kahapon. Tatlong batch ng seremonya ang ginanap sa paaralan upang masiguro ang maayos at ligtas na daloy ng programa — alas 7:00 ng umaga, alas 9:00 ng umaga, at alas 11:00 ng tanghali.   Pinangunahan ang makabuluhang selebrasyon ng mga guro sa kindergarten na sina Ma’am Michelle Casidsid, Ma’am Joy Arañez, at Ma’am Evelyn Tabilog. Ang bawat seremonya ay naging masaya at makulay, na puno ng ngiti at emosyon mula sa mga batang mag-aaral na opisyal nang nagtapos sa kindergarten.   Hindi naman matago ang kagalakan sa mukha ng mga magulang na buong suporta ring dumalo upang saksihan ang mahalagang yugto sa buhay ng kanilang mga anak.   Pinarangalan din ang programa ng presensya ng mga panauhing pandangal na pinangungunahan ng punung-guro ng paaralan Jasmin L. Senson, kasama sina Public Schools District Supervisor (PSDS) Ma’am Fresnedi V. Natividad, at mga Master Teacher na sina Sir Jeodhel Sestoso, Ma’am Jocelyn Mora, at Ma’am Maria Leonora Vega.   Ang moving-up ceremony ay naging patunay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng paaralan, mga guro, at mga magulang sa pagbibigay ng magandang simula sa edukasyon ng mga kabataan sa Navotas City.   Muli, isang mainit na pagbati sa 156 mag-aaral ng kindergarten — ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong komunidad! 1 Ang Sagwan Tangos 1 Elementary School, Matagumpay na Ipinagdiwang ang Araw ng Pagtatapos 2025 by tangoses1ict April 14, 2025 2 Ang Sagwan Family Fun Day 2025 ng Tangos 1, napuno ng sayawan at papremyo by tangoses1ict April 6, 2025 3 Ang Sagwan Moving-Up Ceremony, Idinaos para sa 159 Kindergarten ng Tangos 1 by tangoses1ict April 5, 2025 4 Ang Sagwan Aktibidad para sa Buwan ng Kababaihan, matagumpay na naisagawa by tangoses1ict April 1, 2025 5 The Oar TES1 Holds Successful SELG Election for School Year 2025-2026 by tangoses1ict March 8, 2025 6 Ang Sagwan TES1 Journalists, Nagpakitang-Gilas sa DSPC 2025 by tangoses1ict March 8, 2025

Aktibidad para sa Buwan ng Kababaihan, matagumpay na naisagawa

NAVOTAS CITY – Buong sigla at pagkakaisa ang ipinamalas ng Tangos 1 Elementary School sa matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan 2025, na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.” Sa loob ng isang buwang selebrasyon, isinagawa ang iba’t ibang makabuluhang aktibidad upang bigyang-diin ang kahalagahan ng kababaihan sa lipunan. Pormal na binuksan ang pagdiriwang noong Marso 3 kasabay ng flag ceremony ng pang umagang klase sa ganap na alas-6 ng umaga. Dito, binigyang-pugay ang mga kababaihang patuloy na nag-aambag sa iba’t ibang larangan ng pamayanan. Noong Marso 5, mas pinatibay ang kamalayan ng mga mag-aaral at guro tungkol sa adbokasiya ng kababaihan sa pamamagitan ng pagpapakalat ng informational ads sa loob ng paaralan. Kasabay nito, inilunsad din ang isang photo booth, kung saan maaaring kumuha ng larawan ang mga estudyante at guro bilang bahagi ng selebrasyon. Sa layuning hikayatin ang malikhaing pagpapahayag ng mga mag-aaral, isinagawa noong Marso 12 ang bookmark-making activity para sa mga mag-aaral sa primary level, habang ang mga mag-aaral sa intermediate level ay sumabak sa isang poster-making contest. Ang mga gawa ng mga mag-aaral ay nagpakita ng kanilang pagpapahalaga sa papel ng kababaihan sa paghubog ng isang progresibong lipunan. Bilang pangwakas na gawain, isang seminar ang isinagawa noong Marso 26, sa pangunguna ng GAD (Gender and Development) Coordinator na si Ms. Lovelyn Bonsa, katuwang ang kanyang mga kapwa admin staff na sina Gladilyn Abiog at Christine Bien Castro. Dito, tinalakay ang mahahalagang isyu tungkol sa gender equality, empowerment ng kababaihan, at kanilang kontribusyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang matagumpay na selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan sa Tangos 1 Elementary School ay isang patunay na ang pagkilala at pagpapahalaga sa kakayahan ng kababaihan ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibo at maunlad na hinaharap. 1 Ang Sagwan Tangos 1 Elementary School, Matagumpay na Ipinagdiwang ang Araw ng Pagtatapos 2025 by tangoses1ict April 14, 2025 2 Ang Sagwan Family Fun Day 2025 ng Tangos 1, napuno ng sayawan at papremyo by tangoses1ict April 6, 2025 3 Ang Sagwan Moving-Up Ceremony, Idinaos para sa 159 Kindergarten ng Tangos 1 by tangoses1ict April 5, 2025 4 Ang Sagwan Aktibidad para sa Buwan ng Kababaihan, matagumpay na naisagawa by tangoses1ict April 1, 2025 5 The Oar TES1 Holds Successful SELG Election for School Year 2025-2026 by tangoses1ict March 8, 2025 6 Ang Sagwan TES1 Journalists, Nagpakitang-Gilas sa DSPC 2025 by tangoses1ict March 8, 2025

TES1 Journalists, Nagpakitang-Gilas sa DSPC 2025

NAVOTAS CITY — Muling pinatunayan ng Tangos 1 Elementary School ang husay at talento ng kanilang mga mag-aaral matapos magwagi sa katatapos lamang na Division Schools Press Conference (DSPC) noong Pebrero 15, 2025, sa Navotas National High School.   Ipinagmamalaki ng paaralan ang mga estudyanteng nagbigay ng karangalan sa iba’t ibang kategorya ng kompetisyon. Sa larangan ng photojournalism, nasungkit ni Niccolo Evans Jaime ang ika-9 na puwesto, habang si Franchesca Mae Cruz ay nagwagi ng ika-6 na puwesto sa pagsulat ng balita. Hindi rin nagpahuli si Shairalyn A. Dacoycoy na nakakuha ng ika-4 na puwesto sa pagsulat ng balitang agham, gayundin si Shekinah Valencia na nagwagi rin ng ika-4 na puwesto sa pagsulat ng balitang isports.   Samantala, isang malaking karangalan ang nakuha ni Liam Prince Go matapos niyang makuha ang ikatlong puwesto sa pagguhit ng larawang tudling, na siya ring magbibigay sa kanya ng pagkakataong maging isa sa mga kinatawan ng Navotas sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC). Sa English category, nagpakitang-gilas din ang mga mag-aaral ng Tangos 1 Elementary School. Nakuha ni Axel Xynel A. Baluyut ang ika-10 puwesto sa sports writing, habang si Donnabel R. Albos ay nagwagi ng ika-6 na puwesto sa editorial writing. Si Prince Paulcris D. Mariano naman ay nagpakitang-gilas sa photojournalism matapos makuha ang ika-4 na puwesto. Samantala, nasungkit ni Gayle Khrizsea T. Faustino ang unang puwesto sa copy reading and headline writing, dahilan upang siya rin ay mapabilang sa mga kakatawan sa Navotas para sa RSPC.   Ang tagumpay ng mga mag-aaral ay hindi rin magiging posible kung wala ang patnubay at paggabay ng kanilang mga tagapagsanay. Pinangunahan nina G. Peter Carlo DG. Sevilla para sa Filipino at Gng. Maricar B. Villanueva para sa English.   Dahil sa kanilang mga natatanging tagumpay, ang mga nanalo ay bumisita at nag-courtesy call sa punong-guro ng paaralan na si Gng. Jasmin Senson, na buong pusong nagpahayag ng kanyang pagmamalaki sa kanilang husay at dedikasyon.   Patunay lamang ito na sa pamamagitan ng tiyaga, dedikasyon, at pagsasanay, kayang makamit ng bawat mag-aaral ng Tangos 1 Elementary School ang tagumpay sa larangan ng pamamahayag. Ang buong paaralan ay patuloy na magbibigay suporta at inspirasyon sa kanilang mga estudyante upang higit pang paghusayin ang kanilang kakayahan sa larangan ng campus journalism. 1 Ang Sagwan Tangos 1 Elementary School, Matagumpay na Ipinagdiwang ang Araw ng Pagtatapos 2025 by tangoses1ict April 14, 2025 2 Ang Sagwan Family Fun Day 2025 ng Tangos 1, napuno ng sayawan at papremyo by tangoses1ict April 6, 2025 3 Ang Sagwan Moving-Up Ceremony, Idinaos para sa 159 Kindergarten ng Tangos 1 by tangoses1ict April 5, 2025 4 Ang Sagwan Aktibidad para sa Buwan ng Kababaihan, matagumpay na naisagawa by tangoses1ict April 1, 2025 5 The Oar TES1 Holds Successful SELG Election for School Year 2025-2026 by tangoses1ict March 8, 2025 6 Ang Sagwan TES1 Journalists, Nagpakitang-Gilas sa DSPC 2025 by tangoses1ict March 8, 2025