
Tangos, Navotas City – Masiglang sinalubong ng Tangos 1 Elementary School ngayong araw, June 16 ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral para sa pagbubukas ng bagong taong panuruan (SY 2025 – 2026).
Nagsimula ang pang-umagang klase para sa mga mag-aaral ng Grade 2, 3, at 6. Samantalang mamayang hapon naman ay nakaiskedyul pumasok ang mga nasa Grade 1, 4, at 5.
Sinimulan ang araw sa pagsasagawa ng flag ceremony kung saan nagbigay ng inspirasyonal na mensahe ang ating PSDS na si Ms. Fresnedi V. Natividad, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng determinasyon, sipag, at disiplina sa pag-aaral.
Tiyak na ang araw na ito ay magsisilbing simula para sa isang makabuluhang paglalakbay ng edukasyon sa Tangos 1 Elementary School.



1

2


4

5